International Journal of Academic Multidisciplinary Research (IJAMR)

Title: Balidasyon ng Lagumang Pagsusulit sa Filipino Baitang 7 Ikalawang Markahan

Authors: Grecila Angel¹, Mailyn Guilingan ², JPA Abanan³, Anna Mae La?ohan?

Volume: 9

Issue: 12

Pages: 54-64

Publication Date: 2025/12/28

Abstract:
Ang edukasyon ay mahalaga sa pag-unlad, at ang pagtataya tulad ng Lagumang Pagsusulit ay susi sa pagsukat ng pagkatuto. Mahalaga ang validity at reliability ng mga pagsusulit, kasama ang content validation, upang masiguro ang kaugnayan nito sa kurikulum. Kailangan din ang Table of Specifications (TOS) at pagsasaalang-alang sa Zone of Proximal Development (ZPD). Para sa asignaturang Filipino, dapat saklawin ang limang makrong kasanayan. Ang balidasyon ng pagsusulit ay kritikal, lalo na para sa mga mag-aaral ng Baitang 7, upang maging epektibo ang pagtataya. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng mixed methods design upang balidahin ang Lagumang Pagsusulit sa Filipino para sa Baitang 7. Isinagawa ito sa Lungsod ng Ipil, kasama ang mga guro at eksperto sa Filipino na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang pangunahing instrumento ay ang binuong Lagumang Pagsusulit at Content Validation Checklist. Sinuri ang mga datos gamit ang Content Validity Ratio (CVR) o Content Validity Index (CVI) at kwalitatibong pagsusuri ng puna. Mahigpit na sinunod ang etika ng pagsusuri sa buong pag-aaral. Ang Lagumang Pagsusulit sa Filipino, Baitang 7, ay nagpakita ng mataas na validity at reliability, ngunit may mga aytem na nangangailangan ng rebisyon o pag-alis. Iminungkahi ng mga tagasuri ang pagpapabuti ng kalinawan, ayos ng pagpipilian, at proofreading, pati na rin ang pagdaragdag ng mga tanong na sumusukat sa mas mataas na kognisyon at open-ended items. Ang pagsusuri sa kahirapan at diskriminasyon ng mga aytem ay nagpakita ng pangangailangan para sa pagbabago o pagtanggal ng ilang tanong na masyadong madali o hindi epektibong nakikilala ang kakayahan ng mag-aaral.Bilang resulta, irerebisa ang pagsusulit upang panatilihin ang balidong aytem, baguhin ang mga may marginal na marka, at alisin ang mga hindi angkop. Nakatuon ang pagbabago sa pagpapabuti ng istruktura, pagdaragdag ng mas mataas na antas ng kognisyon, at pagtiyak sa kalinawan at pagkakahanay ng pagsusulit sa mga layunin ng pagkatuto.

Download Full Article (PDF)